Sample Essay 17: Ano ang mga Bagay na Magagawa Ko para Makatulong sa Ating Bansa?

Ang sanaysay na ito ay isinulat ni Roland Birondo, isang ALS Mentor mula sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ano ang mga Bagay na Magagawa Ko para Makatulong sa Ating Bansa?

Meron tayong natatanging paraan para makatulong sa ating bansa. Ito ay ang mga bagay na maaaring magdulot nang kabutihan o di kaya’y kasamaan sa ating bansa.

Bilang isang Pilipino, ang magagawa ko ay ang tulungan ang aking sarili. Unti-unti ko itong babaguhin para hindi ako mahirapan sa pagtulong sa aking pamilya. Pagsisikapan kong iangat ang aming estado at baguhin ang lahat na ugali na puwedeng makasira sa aming samahan. Titiyakin kong maging maayos ang aming relasyon para mapanatili ang katahimikan sa loob ng bahay. Tutulong ako sa mga problema ng aking mga kaibigan para mapagaan ang bigat na kanilang pinpasan. Hindi ako magdadalawang isip na gabayan at pangaralan sila dahil alam ko ang lahat ng aking ginagawa ay para sa kanilang kinabukasan na ipaangat ang kanilang pamumuhay.

Gagawa ako ng isang maliit na grupo na ang hangain ay tumulong sa mga nangangailangan. Papalawakin ko ang isipan ng bawat miyembro para maipamahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga taong nasasakupan ng aming barangay. Gagawa kami ng programa na maaaring makapabago sa buhay ng bawat isa. Hihikayatin namin na baguhin ang sistema ng pamamalakad ng aming mga opisyales sa barangay.

Gagawa ako ng mga poster, sanaysay, awit at slogan na nagpapahiwatig ng mga bagay na dapat nating gawin upang makatulong sa ating bansa. Lilinangin ko ito at ilalagay sa internet upang makita ito ng mga tao sa buong mundo. Hihikayatin at tutulungan ko ang aking mga kababayan na ipakita at ipamalas ang kanilang talento para isa sila sa mga ipagmalaki ng ating bansa. Magsasagawa ako ng grupo sa buong bansa gamit ng makabagong media para makatulong sa anumang sakuna na maaaring mangyari at ang hangarin ay handang tumulong sa pamahalaan natin.

Ang pagtulong ko sa ating bansa ay makakagawa ng malaking pagbabago sa ating pamahalaan upang makamit ang masaya at maunlad na buhay ng bawat isa.